April 18, 2011

NOTICED...

got this from somewhere a long time ago...


FOR THE GUYS..


Guys, ito lang ang sasabihin ko galing na rin sa kapwa niyo lalaki. Kapag kayo ay nagmahal, siguraduhin niyo na mahal niyo talaga ‘yung girl. Hindi sa dahil sexy siya or maganda, dapat mahalin niyo siya dahil ‘yun talaga ang nararamdaman niyo towards her. 

Do not take advantage of them. Porket ba mahal kayo e dapat lahat ng gusto niyo masusunod? May limitasiyon din po iyan. Hindi lahat ng gusto niyo e mabibigay agad. May oras para sa lahat. Wag niyo rin silang gawing bangko, alkansya, bahay-aliwan, taga gawa ng hw or loading station.

Wag niyo silang babastusin. Tandaan niyo meron din kayong ina at mga kapatid na babae. Sa tingin niyo, ano ang mararamdaman niyo kung sa kanila ginawa iyon? Isipin iyo na lang kung ano rin ang nararamdaman ng pamilya ng babaeng iyon.

Wag niyo silang sasaktan. Mapaverbal, physical or emotional pa iyan. Wag niyo silang sasaktan. Tandaan kapag pinaiyak niyo ang babae, God counts every tear a girl sheds.

Control yourself. Guys, alam naman nating ngayon ay ang stage ng ating raging hormones. Pero control. And kung sakaling ‘yun lang ang hanap niyo sa GF niyo eh hindi kayo nagmamahal kundi nagnanasa. Remember, LOVE IS DIFFERENT THAN LUST. Kung sakaling pumayag naman sila, wag niyo nang patulan. Kaya lang naman sila pumayag dahil sa inyong kagustuhan. They just want you to be happy at dahil natatakot din naman silang maiwan niyo or sa iba ‘to hanapin. Kung mahal mo talaga siya, learn to wait after marriage. Remember, the best thing to wear before sex is a wedding ring. Kung sakaling hindi maiiwasan, wag kayong magtago at harapin niyo ang consequences na ginawa niyo together. Dapat man lang may makilalang matatawag na “daddy” ang bata.

Be proud. Wag mahiyang ipagyabang ang iyong mahal. Unang una, mahal mo yan e. Bakit ka mahihiya? Ipakilala mo siya sa friends mo, sa mga kaclose mo, at kung legal ka na, sa family mo. Tandaan isa yan sa ikatutuwa at ikakikilig ng isang babae. Wag kang mahiyang magsabi ng “I love you” kahit nasa harap ka pa ng mga kaibigan mo. Wag kang mahiyang akapin siya or halikan sa pisngi. Be proud of her, cause she’s proud of you.
Be loyal to her. Makuntento ka sa isa. At kung mahal mo naman siya, bakit ka pa maghahanap ng iba diba? Maari kang magkaroon ng crushes dahil sa admiration pero dapat hanggang doon ka lang. Tandaan mo, may mahal ka na.

Alagaan mo siya. May sakit man o wala, show some care. Kahit malayo man siya, matuto kang icheck siya kung okay lang siya, make sure na hindi siya nagpapalipas ng gutom, kung meron ba siyang hindi magandang nararamdaman.

Intindihin niyo siya. Kasi minsan hindi maiiwasan ang mga tinatawag na mood-swings o pabigla biglang bago ng nararamdaman. Lalo na kapag mayroong PMS o Pre Menstrual Syndrome ang isang babae. Wag kayong magalit kung siya’y galit din o wala sa mood. Lilipas din naman iyan e. 

Ibaba ang pride. Likas sa’ting mga lalaki ang pagiging ma-pride. Madalas ayaw patalo sa arguements. Kahit mali na, ipagdidiinan mo pa rin na tama ka at ikaw ang may punto. Wag ganon. Isa ‘yan sa mga dahilan kung bakit nagkakandagulo ang relasyon e. Swallow your pride, AND SAY SORRY.
Ipagtanggol mo siya. Like a damsel in distress. Dapat ang motto mo, “You mess with her, you mess with me.” Kung mahal mo siya, dapat kaya mong siyang ipaglaban.

Learn to be strict, yet sweet. Matuto kang maging strict sa kanya, pero wag ‘yung tipong nakakasakal na. Bigyan mo siya ng certain regulations na dapat sundin. Para din naman sa ikabubuti niya diba? Ay, para din naman sa ikabubuti NIYO.
Paglaanan mo naman siya ng oras. Karamihan kasi sa kalalakihan ay nahuhumaling sa paglalaro ng video games or iba pang hobbies. Minsan naiignore na nila ‘yung nagmamahal sa kanila. Parang mas nagiging importante pa ‘yung paglalaro. Tandaan niyo, hayaan niyo nang mamatay ‘yang hero niyo, wag lang ang relasiyon niyo.
Be there when you need her. Kahit man lang tawagan niyo siya. Basta maparamdam mo na lagi kang nasa tabi niya at you always got her back.

Tell her that you love her. Pero wag mo lang basta basta sabihin ha. Iparamdam mo rin. Actions speak louder than words.
Well, ‘yan ay ilan pa lang sa mga masasabi ko. Feeling ko hindi na ata magkakasiya e. Haha. Anyway ang importante LOVE HER, RESPECT HER AND BE LOYAL TO HER.

No comments: